Halos nasa 3,000 ang bilang ng mga pumila mula kaninang madaling-araw sa Maginhawa Community Pantry.
Umabot na tatlong kimometro o hanggang PHILCOA ang haba ng dalawang linya ng pila kung saan sa barangay hall na isinasagawa ang pamimigay ng ayuda para mas organisado at mas mabilis ang distribusyon sa publiko.
Bagama’t sapat ang bilang ng mga tauhan mula sa Task Force Disiplina, DPOS at staff ng Barangay Teachers Village, pahirapan ang pagpapaalala sa mga pasaway na pumipila na dapat sundin sa lahat ng pagkakataon ang panuntunan sa health protocol.
Sa covered court ng barangay ay mas sistimatiko na ang paraan ng pamimigay.
Parang palengke na may tinderang namimigay ng goods na nasa bawat nakalatag sa mesa at inilalagay sa supot ng mga benepisyaryo.
Ayon kay Barangay Teachers Village Chairman Lolita Singson, target nila ang mas mabilis na pamimigay ng ayuda para maiwasan ang mas matagal na exposure sa dami ng tao para mailayo ang mga ito sa posibilidad ng hawaan ng COVID-19.