Mga punerarya at mga establisyimentong may inuman sa Maynila, tatanggalan ng lisenya; mga hepe ng istasyon ng pulisya, agad sisipain sa pwesto

Mahigpit na binalaan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga may-ari ng punerarya at mga establisyimento sa lungsod, pati na rin ang kapulisan ukol sa pag-iinuman sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

Ayon kay Domagoso, tatanggalan ng lisensya ang mga ito kapag lumabag sa Ordinance No. 5555 na mahigpit na nagbabawal ng pag-iinuman sa mga establisyimento na hindi kabilang sa mga restaurant, panciteria, carinderia, hotel o bar, gayundin sa kalsada o eskinita.

Kasabay nito, binalaan din ni Mayor Isko ang mga namumuno ng 13 na istasyon ng pulisya sa lungsod na kung mayroong lalabag sa Ordinance no. 5555 sa kanilang nasasakupan ay agad silang sisibakin sa kanilang tanggapan.


Diin pa ni Mayor Isko, kapag siya ay nag-ikot sa madaling araw at siya mismo ang nakahuli sa mga lumalabag ay iiral ang one-strike policy kung saan agad sisipain ang Precint Commander (PCP) o Outpost Commander.

Kaugnay nito ay inatasan ni Mayor Isko sina Bureau of Permits Director Levi Facundo at Manila Police District Deputy District Director Col. Narciso Domingo na mag-ikot upang hulihin ang mga establisyimentong hindi sumusunod sa Ordinance no. 5555.

Facebook Comments