Mga puno na nakadikit sa mga kawad ng kuryente, pinuputol ng MMDA

Manila, Philippines – Pinagpuputol ng mga tauhan ng MMDA ang mga puno na nakasandal sa mga kawad ng kuryente.

Sa harap ito ng nararanasan ngayon sa Metro Manila at mga karatig na lugar na malakas na hangin kung saan maaaring magdulot ito ng panganib sa publiko.

Kanina, ilang puno ng niyog ang pinutol ng MMDA sa Scout Limbaga Cor Scout Bardoloza, Brgy. Sacred heart,QC .


Patuloy din ang pagpuputol ng ahensya sa mga nabuwal na mga puno sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Gorio noong nakalipas na linggo.

Facebook Comments