Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang mga opisyal ng 42,046 baranga sa buong bansa na hikayatin ang kanilang mga constituents na magpa-booster shots na laban sa COVID-19.
Kasabay ito ng pagdaraos ng Barangay Assembly Days para sa second semester ng 2022 sa alinmang Sabado o Linggo ng Oktubre.
Sinabi ni Abalos na dapat na samantalahin ng mga punong barangay ang Barangay Assembly upang talakayin ang advantages ng pagpapa-booster at pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Pinayuhan din sila na imbitahan ang mga mamamayan na makilahok sa government vaccination campaigns gaya ng PinasLakas.
Dapat din aniyang impormahan ang publiko na ang COVID-19 booster shots ay accessible na ngayon sa kanilang workplace, transportation terminals, drugstores, at iba pa.
Paalala pa ni Abalos, ang pagdaraos ng Barangay Assembly Days ay nakamandato sa batas.
Maaari aniya itong isagawa sa pamamagitan ng face-to-face, online, o blended modes.
Binalaan pa niya ang mga barangay na mabibigong tumalima sa direktiba na magdaos ng asembliya ay maaaring maharap sa kaukulang sanction.