Roxas City – isinailaim sa drug test kaninang umaga ang lahat ng punong barangay sa lungsod ng Roxas.
Ito ay sa pangunguna ng Liga ng mga Barangay, kasama ang Philippine National Police at Department of Interior and Local Government.
Isinagawa ito ng Liga kasunod ng mga panawagan ng mga residente na magpa-drug test ang mga opisyal ng barangay upang malaman kung sino ang gumagamit ng iligal na droga.
Nagbigay naman ng kanilang kooperasyon ang mga punong barangay dahil naniniwala ang mga ito na ito lamang ang tanging paraan upang malinis ang kanilang hanay at mapatunayang seryoso ang mga ito sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Facebook Comments