Para sa mga Public Utility Vehicle o PUV drivers na hindi kabilang sa umiiral na PUV Modernization Program o mga hindi pumayag na mag-upgrade ng mga minamanehong sasakyan ay makakatanggap pa rin ang mga ito ng tulong pangkabuhayan mula sa pamahalaan.
Kabilang ang Department of Labor and Employment o DOLE at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa mga ahensyang naghahanda sa pagpapabilang ng mga drivers na hindi tumuloy sa pamamasada ng modernized jeepney sa tutulungan upang maging benepisyaryo ng ilang livelihood programs.
Ang mga operators naman na Dagupan Bound, mangilan-ngilan pa rin sa kanila ang hindi pa kasali sa PUV Modernization at anila na kung tuluyan ng maganap ang jeepney phaseout ay mapipilitan ang mga ito na maghanap ng ibang trabaho.
Isa rin sa maaaring gawin sa mga jeepney na hindi na magagamit, lalo na kung wala na ito sa maayos na kondisyon ay ipa-junkshop daw.
Tiwala naman ang mga drivers at operators sa tulong na maipapaabot ng nasyonal na gobyerno partikular para sa mga titigil na sa pamamasada kasunod ng nagpapatuloy na modernization program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments