Mga PUV drivers, nasampolan sa mandatory drug test ng PDEA, LTO, at LTFRB

Sorpresang nagsagawa ng mandatory drug test ang Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa mga drivers ng mga Public Utility Vehicles (PUV) kaninang umaga sa iba’t ibang puv terminal sa Pasay City.

Katuwang ng PDEA sa kanilang surprise drug test na tinatawag na “Oplan Harabas” ang Land Transportation Office (LTO) land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Aabot sa limamput tatlong tsuper ng tricycle, taxi, jeep at uv express ang sumailalim sa drug test.


Ayon kay PDEA Director-General Aaron Aquino, ang mga magne-negatibo sa drug test ay makakakuha ng certificate mula sa kanilang ahensya.

Habang ang mga magpopositibo ay muling isasailalim sa confirmatory test.

Kasabay nito, sinabi ni PDEA Director-General Aaron Aquino na target din nila gawin nang Oplan Harabas Nationwide.

Facebook Comments