MGA PUV NA BABYAHE NGAYONG UNDAS, TINIYAK NA FIT FOR TRAVEL

Sinusuri ang kakayahan ng mga Public Utility Vehicles Ilocos Region na babyahe kasunod ng inaasahang dagsa ng mga magsisiuwi sa mga probinsya ngayong Undas.

Ayon sa Land Transportation Office Region 1, titiyakin na nasa maayos na kondisyon ang mga brake lights, headlights, gulong at kaukulang dokumento at lisensya ng sasakyan at driver ang bawat bus na babyahe sa iba’t-ibang panig ng rehiyon.

Kinakailangan din na gumagana at maaasahan ang mga safety equipment sa sasakyan tulad ng seatbelt, early warning devices at fire extinguishers.

Pinaalala rin sa mga bus terminals ang pagbabawal sa overloading at pagsusuri sa mga sasakyan bago sumabak sa mahabang byahe.

Iginiit ng tanggapan na para sa kaligtasan ng publiko ang ginagawang inspeksyon para sa maaasahan at mabisang sistema sa transportasyon.

Facebook Comments