Mga PUV na siksikan na parang sardinas, huhuliin na ng LTO at LTFRB

Huhuliin na ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pampublikong sasakyan na siksikan ang mga pasahero na parang sardinas.

Nagbabala ang LTFRB, ang mga mahuhuling sobra-sobra kung magsakay na dahilan kaya’t nagsisiksikang parang sardinas na ang mga pasahero ay posibleng matanggalan ng prangkisa.

Ayon sa LTFRB, sa modern jeepney ay limang katao lamang ang pinapayagang tumayo sa kada square meter ng available na standing space.

Pagdating sa traditional jeepney nasa 12 hanggang 32 ang limit na pasahero.

Ang modern jeepney nasa 12 hanggang 31 na pasahero ang puwedeng isakay.

Ang AUV o mga UV express dapat ay siyam lamang ang pasahero, regular van siyam plus ang driver at extended o yung mga van 12 pati na ang driver.

Kaya’t sa mga dispatcher, hindi na puwedeng isigaw ang kasya pa, kahit sakto na ang bilang ng mga pasahero sa isang PUV.

Facebook Comments