Manila, Philippines – Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LRTFB) na mahigpit din nilang mino-momitor ang mga campaign materials na nakapaskil sa mga sasakyan lalo na sa mga pampublikong sasakyan
Sa pulong sa MMDA, sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na alinsunod sa Comelec Memorandum Circular 2015-029 pinapayagan ang paglalagay ng election materials sa mga PUVs basta at nakasusunod sa mga rekesitos.
Sinabi pa ni Delgra na dapat 2×3 feet ang sukat ng poster habang 8.5×11 inches naman ang dapat na sukat ng mga stickers sa PUV.
Babala nito sa mga lalabag sa Comelec rules ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang paglabag, suspensyon at kalaunan ay kanselasyon ng prangkisa.
Maliban sa LTFRB, maaari ding manghuli ng violators ang MMDA at PNP.