MGA PUV OPERATORS SA DAGUPAN CITY, INIHAHANDA ANG IPIPRESENTANG DOKUMENTO SAKALING MAGTAAS SINGIL ANG MGA ITO SA MGA PASAHERO

Inihahanda na ng ilang mga operators ng pampasaherong sasakyan ang ilan sa mga kinakailangang dokumento kaugnay sa umiiral na provisional fare increase sakaling ipatupad ng mga ito sa kanilang mga pasahero ang dagdag pisong pasahe.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM Dagupan, hinihintay lamang ng mga ito ang pirma na mula sa pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB upang pormal nang maipatupad ang minimum fare increase sa mga pasahero nito.
Sa kasalukuyan ay hindi talag naniningil ang mga ito ng dagdag piso dahil iniiwasan daw nila na ma-kwestyon ukol dito at walang maipakitang dokumento sa pag-iimplementa ng nasabing kautusan.
Dagdag pa ng mga ito na naiintindihan daw nila ang mga pasahero dahil malaking bagay na ang karagdagang piso sa panahon ngayon.
Kaya naman nananatili ang dose pesos na minimum fare sa mga pampasaherong jeep, maging ang 20% discount na nararapat para sa Seniors, PWDs at mga estudyante. | ifmnews
Facebook Comments