Maaaring pa ring makaboto sa 2022 National Election ang mga Persons with disabilities (PWD) at senior citizens na mayroong hindi aktibong rehistrasyon.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Poll Commissioner Rowena Guanzon, pumayag na ang en banc na payagan ang mga matatanda at PWDs na makaboto na bigong makalahok sa nakalipas na dalawang eleksiyon.
Alinsunod ang kautusan sa Section 27 ng Republic Act 8189 o Voter’s Registration Act of 1996 kung saan nakasaad na hindi pa mabubura ang mga record ng mga ito.
Magaganap ang 2022 election sa ika-9 ng Mayo sa susunod na taon.
Facebook Comments