MGA PWD SA ALAMINOS CITY, BINIGYANG-PUGAY SA INTERNATIONAL DAY OF PERSONS WITH DISABILITIES

Binigyang-pugay ng pamahalaang lungsod ng Alaminos ang mga Persons with Disabilities (PWD) sa pagdiriwang ng International Day of Persons with Disabilities, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel at ambag sa komunidad.

Kinilala sa aktibidad ang mga PWD Presidents mula sa 39 na barangay ng lungsod, gayundin ang limang asosasyon na patuloy na katuwang ng Lokal na Pamahalaang Lungsod, City Social Welfare and Development Office, at Persons with Disability Affairs Office sa pagsusulong ng kapakanan ng sektor.

Ayon sa pahayag, malaking bahagi ang ginagampanan ng mga lider-PWD sa pagpapalakas ng boses ng sektor, pagpapalawak ng mga oportunidad, at pagpapatibay ng pagkakaisa sa antas ng barangay at lungsod.

Layunin ng pagdiriwang na ipakita ang patuloy na suporta at pagkilala sa kakayahan, dedikasyon, at pamumuno ng mga PWD bilang aktibong bahagi ng lipunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments