Mga PWD sa Barangay Inarawan, dismayado sa Antipolo City Government dahil hindi pa sila napupuntahan ng DSWD

Dismayado ang mga may kapansanan sa Barangay Inarawan, Antipolo City dahil matatapos na lang ang deadline ng lockdown sa Mayo a-15 ay hindi pa rin sila napapadalhan ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Vangie Gabito, pareho silang mag-asawa na mayroong kapansanan, ang kanyang asawa ay bulag habang siya naman ay pilay pero ni anino umano ng mga opisyal ng DSWD at Antipolo City Government ay wala pa ring ayuda.

Paliwanag ni Gabito, halos lahat sila na nakatira sa Barangay Inarawan ay pawang mga bulag at pilay pero ni-ayuda umano ng Antipolo City Government ay wala pa rin nakakarating.


Umaasa ang mga residente ng Barangay Inarawan na maaabutan din sila ng tulong mula sa DSWD at Antipolo City Government dahil nagugutom na ang kani-kanilang mga pamilya.

Nanawagan din sila kay pangulong Duterte na aksyunan agad ang kanilang mga karaingan dahil maraming mga may mga kapansanan ang nagugutom sa kanilang lugar.

Facebook Comments