Hinihikayat ang mga Navoteño na may kapansanan na magparehistro para sa 2022 national elections.
Bunsod ito ng gagawing Commissioned on Elections (COMELEC) Satellite Registration para sa mga person with disabilities (PWDs) ng lungsod.
Gaganapin ang satellite registration sa July 16 sa NavoServe tent, Navotas City Hall Annex, alas-8:00 ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Pinagdadala naman ang mga PWD residents ng kanilang PWD ID o iba pang identification ng pagkakakilanlan para sa registration.
Maaari namang bisitahin ang website na comelec.gov.ph para alamin ang iba pang requirements sa pagpaparehistro.
Facebook Comments