Sinanay ang mga Persons with Disabilities (PWD) sa bayan ng Sual sa paggawa ng soap powder bilang bahagi ng isang skills and livelihood training na layong magbigay ng alternatibong pagkakakitaan at dagdag na kasanayan.
Ang aktibidad ay isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at nilahukan ng mga PWD at mga anak ng mga 4Ps graduates.
Sa naturang pagsasanay, itinuro ang mga pangunahing hakbang sa paggawa ng sabon, kabilang ang tamang paghahalo ng sangkap at pagtiyak sa kalidad ng produkto.
Ayon sa tanggapan, layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga benepisyaryo at mabigyan sila ng kakayahang makapagsimula ng maliit na kabuhayan na maaaring makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Binigyang-diin din sa aktibidad ang kahalagahan ng patuloy na suporta upang matiyak ang inklusibong pag-unlad at mas maraming oportunidad sa kabuhayan sa sektor ng PWD. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










