MGA PWD SA TAYUG, NAGSAMA-SAMA SA ISANG MASAYANG CHRISTMAS PARTY

Person With Disability man ang tawag sa kanila, likas naman ang kanilang abilidad na mapasaya ang sino man.

Kamakailan lamang ay nagsama sama ang lahat ng miyembro ng PWD community mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Tayug para sa selebrasyon ng kapaskuhan.

Ito ay naging daan upang maipamalas nila ang kani-kanilang angking talento sa mga pinag-isipang programa.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan, matagumpay na naisagawa ang kanilang pagtitipon na napuno ng tawa, indak, at malasakit para sa isa’t isa.

Tunay ngang kahit may kapansanan, kung ikaw ay may kasama at masasandalan, mananatiling positibo ang iyong pananaw at kayang kayang labanan ano man ang hamon ng buhay.

Facebook Comments