Mga PWDs, may libreng sakay sa LRT-2

20

Aarangkada ngayong araw ang libreng sakay sa LRT-2 para sa mga Persons with Disabilities (PWD).

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng 41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week.


Magaganap ito mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali at alas-tres hanggang alas-singko ng hapon.

Kailangan lang ipakita ang PWD ID para sa libreng sakay.

Ang libreng sakay ay alinsunod sa Proclamation no. 361 na inilabas noong August 9, 2000.

Sa ilalim nito, magkakaroon ng free ride para sa mga PWD tuwing ikatlong linggo ng Hulyo.

Facebook Comments

From Advertisers