MGA PWDS SA MANAOAG, SUMAILALIM SA MUSHROOM CULTIVATION TRAINING

Kabilang ang grupo ng mga Persons with Disability o PWDs sa tinututukan ng lokal ng pamahalaan ng Manaoag.

Alinsunod dito ang inilunsad na pagsasanay ukol sa Mushroom Cultivation na inaasahang makatutulong sa mga ito sa kanilang karagdagang mapagkukunan ng pera.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program o SLP sa Ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na layong makatulong sa pag-angat sa antas ng pamumuhay ng mga benepisyaryo.

Samantala, pagtitiyak ng LGU Manaoag ang patuloy na suporta sa bawat MANAOAGUEÑos sa pamamagitan ng mga inilulunsad na programang pangkabuhayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments