MGA PWDS SA PANGASINAN, BENEPISYARYO NG WHEELCHAIRS AT PROSTHESIS

Benepisyaryo ang mga piling Person with Disabilities ng wheelchairs at prosthesis na mula sa iba’t-ibang lokalidad ng Pangasinan.
Ito ay sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at sa pakikipagtulungan ng Pangasinan Disability Affairs Office (PDAO) na naglalayong matulungan ang mga matatanda at bata ma may kapansanan upang kahit papaano mapagaan ang kanilang sitwasyon.
Nasa 37 wheelchairs at 15 prosthesis ang naipamahagi sa mga nasabing benepisyaryo.

Laking pasasalamat naman ang ipinahayag ng mga PWDs sa natanggap nilang mga kagamitang makatutulong sa kanila. |ifmnews
Facebook Comments