
Makikita na ang calorie count sa menu ng mga pagkain sa mga restaurant at food chain sa Quezon City.
Ito ay matapos maaprubahan na ang Calorie Labelling Ordinance sa Quezon City local government unit.
Sa ilalim ng ordinansa, sa unang phase ng implementasyon nito sa December 2025, ang mga kainan na may higit limang branches ay dapat mayroon ng calorie count ang inihahaing pagkain.
Sa ikalawang phase makaraan ang isang taong implementasyon ng programa, sa 2026 ang mga may dalawa hanggang apat na kainan ay dapat nang may calorie count ang pagkain at sa 2027 o sa ikatlong phase ang mga kainang nabibilang sa barangay micro business at small medium enterprises (MSMEs) ay dapat na may calorie count na ang pagkain.
Oras na hindi tumupad sa ordinansa, maaaring magmulta ng ₱1,000 sa 1st offense, ₱2,000 sa 2nd offense, ₱3,000 sa 3rd offense at sa ika-apat na offense ay multang ₱5,000 at revocation ng negosyo.