Mga quarantine violator, patuloy ang pagtaas ayon sa JTF COVID Shield

Umabot na sa 639, 647 ang mga naitalang quarantine violator sa bansa na nasita, napagmulta at naaresto.

Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Joint Task Force COVID Shield.

Pinakamaraming quarantine violator naitala sa Luzon na umabot sa 357,112.


Pumangalawa ang Mindanao na may 143,516 at ikatlo ang Visayas na 139,019.

Karamihan sa mga ginawang paglabag ng violators ay ang hindi pagsusuot ng face mask at walang social distancing.

Maging pag-iinuman, pagdalo sa mga party at pagsusugal.

Facebook Comments