Mga quarantine violator sa bansa, umabot na sa mahigit 700,000

Umakyat na sa 701,075 ang bilang ng mga naitalang quarantine violator sa bansa.

Ito ay batay sa datos ng Joint Task Force COVID Shield mula March 17 hanggang January 17, 2021.

Sa nasabing bilang, 44% o katumbas ng 310,570 ang pinagmulta, 33% o katumbas ng 226,833 ang nasita.


23% o katumbas ng 163,672 naman ang naaresto.

Pinakamaraming quarantine violator ang naitala sa Luzon, sumunod ang Mindanao at Visayas.

Karamihan sa mga ginawang paglabag ng mga violator ay ang hindi pagsusuot ng face mask at walang social distancing.

May paglabag din tulad ng pag-iinuman, pagdalo sa mga party at maging pagsusugal.

Facebook Comments