Tumaas pa ang bilang ng mga quarantine violator sa Metro Manila sa ikalawang araw pagpapatupad ng Alert Level 3 system.
Batay sa rekord ng Philippine National Police (PNP), umabot na sa 19, 014 ang mga quarantine violator ang kanilang naitala.
10, 807 o katumbas ng 57 percent ang nabigyan ng babala.
6, 750 o katumbas ng 36 percent ang napagmulta habang 1, 457 o 8 percent ang napatawan ng ibang parusa.
Kabilang sa mga paglabag ng mga naitala ang hindi pagsunod sa health protocol, curfew at mga non-Authorized Person Outside Residences o non-APOR na lumabas.
Facebook Comments