Mga Radyoman ng DZXL 558 RMN Manila, nakiisa sa “Maynilad Media Run 2019”

Umabot sa mahigit walong daan ang nakilahok mula sa iba’t-ibang media outlets sa katatapos lamang na “Maynilad Media Run 2019, Race for Health year 3”.

Naging matagumpay ang ikatlong taon ng Maynilad Media Run kung saan idinaos ito ngayon sa Aseana City sa Parañaque City, katuwang ang iba’t-ibang sponsored.

Sa interview ng RMN Manila kay Ms. Jennifer Rufo, head ng corporate communications ng Maynilad, ang taunang fun run ay parte ng kanilang adbokasiya para isulong ang health and wellness lalo na sa mga mamamahayag na stressful ang trabaho.


Kabilang sa mga nakilahok sa event ang inyong mga ka-Radyoman dito sa DZXL 558 RMN Manila.

Facebook Comments