Nasa tamang direksyon ang mga railway projects ng gobyerno sa ilalim ng Marcos administration para mas mapaganda at mapabilis ang mga operating lines ng mga kasalukuyang rail projects.
Ito ang sinabi ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez sa isang news forum nitong weekend na organize ng Presidential Communications Office (PCO).
Ang apat na mga operating lines sa ngayon ay ang Philippine National Railway (PNR), Light Rail Transit Lines 1, 2, at Metro Rail Transit o MRT 3.
Ayon kay Chaves, para sa LRT Line 2, isang coach ang nagdagdag, kaya naman mula Enero hanggang nitong Hunyo ay tumaas sa 300,000 ridership kada araw na ibigsabin gumagana ang operating lines.
Inulat rin ni Chaves na nasa fast tracking na rin sa implememtasyon ng mga proyekto ng Japan International Cooperation Agency (JICA)- at Asian Development Bank (ADB) at Public -Private Partnership projects.
Bukod dito, nasimulan na rin ng Marcos administration ang tunnel boring operation para sa subway project ng Marcos administration.