Monday, November 16, 2026

Mga raliyesta at pulis sa Welcome Rotonda, nagkagirian

Nagkaroon ng maikling tensyon sa pagitan ng mga raliyesta at mga pulis sa Welcome Rotonda, Quezon City, matapos buwagin ng mga raliyesta ang hanay ng mga pulis na humarang sa kalsada ngayong Lunes, November 16.

Gayunpaman, panandalian lamang ito dahil lumiko pabalik sa Quezon Avenue ang mga raliyesta at nagmartsa papunta sa Santo Domingo Church upang doon na lamang magkasa ng kilos-protesta.

Ipinaglalaban ng mga grupo ang pagkondena sa pagpasok ni United States President Donald Trump at umano’y panghihimasok ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Matatandaang papunta sana ang mga raliyesta sa Malate Church sa Maynila, sakay ng limang jeep at ilang van, kaninang umaga, ngunit hinarang sila ng mga pulis, tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil out of line umano ang mga ginamit na sasakyan.

Facebook Comments