Mga raliyista, patuloy ang pagdagsa sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila

Manila, Philippines – Tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga Anti-Duterte at Pro-Duterte na nagrarally sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Maynila.

Nagsimula ang pagdating mga demonstrador alas-8 pa lamang ng umaga kanina at hanggang sa oras na ito ay wala ng tigil ang kanilang pagdagsa sa Plaza Miranda, Mendiola at maging sa Quirino Grandstand kung saan inaasahan ang malalaking bulto ng mga lalahok sa idineklarang National Day of Protest ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Sa Plaza Miranda, libo-libong Pro Duterte ang umaakupa ngayon sa open area sa harap ng Quiapo Church kung saan itinayo ang isang malaking entblabodo na ang nasa harapan ang malaking mukha ni pangulong Duterte.


Ayon sa Organizer ng Pro-Duterte rally na si Subic Bay Metropolitan Authority Board of Director Benny Antiporda, nagsimula ang programa alas-2 ng hapon kanina at inaasahan ang pagdalo ng 50 libong katao.

Manggagaling aniya sa South and Central Luzon ang mga tagasuporta ng Pangulo na mula sa hanay ng Kilusang Pagbabago (Change Movement), PDP-Laban Party, Mayor Rodrigo Roa Duterte, Friends of Rodrigo Duterte, Luzon Watch at iba pang Local Government Unit.

Ang iba namang grupo ng militante katulad ng Bayan Muna, mga manggagawa at estudyante ay nagtipun-tipon sa Mendiola at inasahang ngayong hapon sila ay uusad patungong Quirino Grandstand sa Luneta Park.

Facebook Comments