Mga raliyista, pinayuhan na gawing peaceful at orderly ang kanilang kilos-protesta sa SONA ngayong araw

Nagpaalala ang Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) sa mga raliyista na gawing peacefull at orderly ang kanilang aktibidad ngayong araw.

Sinabi ni QC-DPOS Head Elmo San Diego na batay ito sa kanilang napagkasunduan bago pinayagan ng Quezon City government na makapagdaos sila ng rally sa Commonwealth Avenue.

Kailangan din nilang sumunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force of the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) lalo na ang Health Protocols.


Hindi rin dapat maapektuhan ang normal na daloy ng trapiko ng kanilang aktibidad hanggang matapos.

Pinayagan ang mga Militanteng grupo na magamit ang Commonwealth Avenue mula PHILCOA hanggang sa Tandang Sora Avenue mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Sa bahagi naman ng COA at Sandiganbayan pinayagn na kakapag programa ang Pro-Administration rallies.

Facebook Comments