Nagpaulan ng tear gas ang Hong Kong police para paalisin ang mga nagkikilos protesta matapos mag-rally sa U.S. Consulate para humingi ng tulong na ibalik ang demokrasya sa kanilang estado.
Naglagay ng mga barikada, pinagbabasag ang mga bintana, nagsunog sa kalsada at nag-vandalize sa metro station sa Central District ang mga raliyista.
Ikinanta pa ng mga ito ang pambansang awit ng Estados Unidos at nanawagan kay President Donald Trump na palayain ang kanilang siyudad mula sa Chinese government.
Nanawagan na si US Defense Secretary Mark Esper sa China na magpigil o restraint.
Itinanggi naman ng Beijing na nanghihimasok sila sa internal affairs ng Hong Kong.
Facebook Comments