Bago mag alas-12:00 kanina, binuwag na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga raliyista na nagtipon-tipon sa Welcome Rotonda.
Unti-unti na kasing dumarami ang mga nagdadatingang raliyista at hindi na nasusunod ang social distancing o ang mga ipinatutupad na health safety standards.
Nagprograma muna ang iba’t ibang militanteng grupo kung saan ay isinisigaw nila ang pag-resign sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nagpabaya umano ito sa paghawak sa pandemya.
Iginigiit din nila na maibigay ng gobyerno ang 10,000 na ayuda sa mga manggagawa.
Sa pagtaya mg Kilusang Mayo Uno (KMU), aabot sa 500 na raliyista ang nagtungo sa Welcome Rotonda.
Facebook Comments