Manila, Philippines – Malabong makalusot ang anumang pagtatangka na lunsaran ng mga kilos protesta ang ginaganap na 50th anniversary ng Association of Southeast Asian Nations.
Bantay sarado na ang mga lugar na papasok at palabas ng Cultural Center of the Philippines.
Sa bahagi ng Vito Cruz sa kanto sa gilid ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nakakalat na ang mga anti-riot police na armado ng truncheon at mga shield.
Nakaporma na rin ang mga pulis sa Quirino Avenue at sa kanto ng Roxas Blvd. at Buendia.
Sa loob ng compound ng CCP, santambak na pulis na ang nagbabantay.
Dahil ang mga sasakyan na dumaraan sa mga kalsada sa paligid ng CCP ay pinadaan na sa ibang ruta, nagsisikip na daloy ng mga sasakyan.
Ang mga pampasaherong bus na bumibiyahe mula Batangas at Cavite na gumagamit sa Roxas Blvd. ay pinakaliwa sa EDSA extension kakanan ng Macagapagl Blvd. palabas ng Buendia.
Maliban sa pinahigpit na seguridad, ang MMDA at LTO ay nag-iikot din sa ngayon kung kayat ang mga colorum na bus sa Cavite at Batangas ay hindi muna pumasada.