Hinimok ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang mga rebelde na ikonsidera ang mga ibinibigay na livelihood at iba pang magagandang programa ng gobyerno para sa mga nagbabalik-loob sa pamahalaan.
Sinabi ni Go na dapat tingnan ng mga rebelde ang mga inaalok na tulong ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Diin ni Go, sinserong makipag-usap sa kanila si Pangulong Duterte na naghahangad na mabigyan sila ng maayos na buhay kaakibat ng pagnanais na makamit ang kapayapaan sa bansa.
Kaugnay nito, sinabi ni Go na nakakasakit ng kalooban na nakikitang nagpapatayan ang mga kapwa Pilipino.
Matatandaan na bago pa maging Pangulo si President Duterte at bagong maging senador si Go ay umaakyat na sila sa bundok upang makipag-usap sa mga rebelde.
Facebook Comments