Mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan tumanggap ng financial assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Capiz at DILG

Roxas City, Capiz – Pinangunahan ni Gov. Antonio del Rosario angpamamahagi ng financial assistance at livelihood program para sa mga rebeldengnagbalik-loob sa pamahalaan noong nakaraang araw ng Martes na isinagawa saCapiz Provincial Capitol. Tumanggap ng 75 libong piso bawat isa ang siyam na rebel returnees mula sa Comprehensive Local Integration Program (CLIP) ng DILG atCapiz Provincial Government kasama rito ang AFP, PNP at PSWDO.
Ayonkay Gov. delRosario, karapatan ng isang dating rebelde na magkaroon ng panibagong buhay atnagpapasalamat ito sa siyam na rebel returnees sa kanilang naging desisyon.
Nanawagan naman anggobernador sa iba pang rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan upang magkaroonng isang tahimik at masayang buhay kasama ang kanilang pamilya.

 

Facebook Comments