Mga Recruit Para Maging Sundalo Sinabihang Dapat Magpakabait

Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela – Hinimok at pinaalalahanan ni BGen Perfecto Rimando Jr,commanding officer ng 5th Infantry Division Philippine Army ang mahigit dalawang daan mga bagong sasabak pagsasanay upang maging ganap na sundalo na kailangan na magpakabait para tumagal sa serbisyo.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na opening ceremony ng Candidate Soldier Course class 535-2018 sa Camp Melchor F.Dela Cruz Upi.Gamu, Isabela,binigyan diin nito na kailangan maging matatag at baguhin na ang kanilang pag uugali bilang sibilyan sapagkat iba na umano kapag sila ang ganap ng kasapi ng hukbong katihan ng Pilipinas.

Ayon pa sa naturang opisyal, maituturing umanong swerte ang mga ito dahil sa dami ng gustong maging sundalo ay sila lang ang nakapasa sa mahigpit na pagdsasala.


Umaasa naman ang opisyal na sa mga darating na panahon ay maihahanay ang mga bagong salta sa mga maipagmamalaki at kahanga hangang sundalo mula sa 5th ID at makapgbigay karangalan sa ating bansa bilang tagapagligtas laban sa mga kaaway ng gobyerno.

Sa 245 na mga baong recruits ay lima dito ay kababaihan,at ang karamihan ay mula sa lalawigan ng Kalinga,Ilocos Region,Nueva Ecija,Isabela,Cagayan, Negros, Sultan Kudarat at Leyte province.

Facebook Comments