Nagpapatuloy ang monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lugar na ngayon sinasalanta ng Bagyong Jolina.
Bukod dito mahigpit din na nakikipag-ugnayan ang NDRRMC sa kanilang mga Regional NDRRMC para agad matukoy ang mga dapat na gawin o pangangailangan sa mga lugar na sinasalanta ng bagyo.
Mahigpit naman ang paalala ng NDRRMC sa publiko lalo na ang mga lugar na tumbok ng Bagyong Jolina na palaging i-monitor ang weather updates, gawin ang mga precautionary measure, sumunod sa LGU kung mayroon evacuation habang sinusunod ang minimum health standards para proteksyon laban sa COVID-19.
Kaninang umaga ng una nang nagsagawa ng
Pre-Disaster Risk Assessment meeting ang NDRRMC at pinag-usapan ang mga paghahanda sa epekto ng bagyong jolina ngayong may pandemya.