Mga rehistradong SIM card, halos nasa 37 percent pa lang ayon sa DICT

Nasa 36.79 porsiyento pa lang o katumbas ng 62, 170,268 ng lahat ng Subscriber Identity Module (SIM) card na naibenta ang nairehistro noong Abril 7, 2023, tatlong linggo bago ang deadline ng pagpaparehistro.

Ito ang inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT), kasabay ng paghimok sa publiko na irehistro ang kanilang mga SIM card habang papalapit ang deadline.

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, sa 62 milyong rehistradong SIM, mahigit 4.7 milyon ang mula sa DITO; 26.3 milyon ay mula sa Globe; at 31.1 milyon ay mula sa Smart.


Binalaan ng DICT ang mga Pilipino na magparehistro sa pamamagitan ng opisyal na Public Telecommunication Entities upang maiwasan ang mga scam at pagnanakaw ng pagkakakilanlan.

Facebook Comments