Mga rehiyong may pinakamataas na kaso ng COVID, tinukoy ng DOH

Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang ilang rehiyon sa bansa na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.

Sa pulong sa mga Gabinete, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang mga rehiyon na may mataas na COVID infections ay ang Calabarzon (757 cases), kasunod ang Western Visayas (674), Metro Manila (657), Davao Region (547), at Central Luzon (423 cases).

Ang Laguna ang nangungunang lalawigan na may mataas na kaso ng COVID-19 na nasa 307 cases, kasunod ang Davao City (300), Cavite (209), Iloilo (181), at Negros Occidental (144).


Ang nalalabing bahagi ng Luzon at Mindanao ay apat na beses na mas mataas ang kaso kumpara noong nakaraang taon.

Sa huling datos ng DOH, nasa 5,604 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19, dagdag sa kabuoang kaso na nasa 1,403,588 cases.

Aabot naman sa 6,154 ang bagong recoveries at 84 ang bagong namatay.

Facebook Comments