
Umakyat na sa 16,275 ang ulat at reklamong natanggap ng Malacañang sa pamamagitan ng Sumbong sa Pangulo website mula nang ilunsad ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ipapasa na ang lahat ng sumbong sa bagong tatag na Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Bahagi ng mandato ng ICI ang pagsisiyasat sa mga anomalya at iregularidad sa flood control at iba pang proyektong pang-imprastruktura sa nakalipas na sampung taon.
Binigyang-diin ng pangulo na dapat agad kumilos ang komisyon upang hindi maantala o mapabayaan ang mga reklamong isinumite ng publiko laban sa mga iregular na proyekto ng pamahalaan.
Facebook Comments









