Mga reklamong impeachment laban kay VP Sara Duterte, posibleng umakyat sa apat

Posibleng may maghain ng ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.

Sinabi ito ni House Secretary General Reginald Velasco pero wala siyang malinaw na impormasyon kung sino ang nagbabalak maghain ng dagdag na reklamong impeachment laban kay VP Duterte.

Bukod dito ay binanggit din ni Velasco na nasa 10 hanggang 12 na mga kongresista mula sa mayorya at minorya ang planong i-endorso ang isa sa tatlong impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte na nakahain na sa Kamara.


Hanggang sa ngayon ay hindi pa naisusumite sa tanggapan ng House Speaker ang tatlong reklamong impeachment laban sa ikalawang pangulo.

Ayon kay Velasco, ito ay pinag-aaralan at biniperipika pa ng mga abogado ng kanyang tanggapan at inaasahang sa Lunes ay makapagbibigay na sila ng rekomendasyon.

Facebook Comments