
Dapat harapin at maimbestigahan ang mga reklamong inihain sa Office of the Ombudsman laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa paggamit ng confidential funds.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mas mainam na dumaan sa pormal na imbestigasyon ang mga reklamo, lalo na kung may maipapakitang matibay na ebidensya ang mga nagreklamo laban sa bise presidente.
Patong-patong na kaso ang isinampa ng ilang miyembro ng civil society groups at simbahan, kabilang ang plunder, graft, malversation, bribery, betrayal of public trust, at culpable violation of the Constitution.
Kaugnay ito ng umano’y iregular na paggastos ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at noong pinamumunuan pa niya ang Department of Education (DepEd).









