Mga reklamong isinampa ng NBI laban kay Jad Dera, submitted for resolution na!

Submitted for resolution na ang mga reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa umano’y bagman ni suspended Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr., na si Jad Dera.

Ilan sa mga reklamo laban kay Dera ay bribery, corruption of public official, infidelity of custody of prisoner, at graft and corruption.

Ayon sa abogado nitong si Raymund Palad, naghain ng couter-affidavit si Dera at ang anim na NBI security personnel.


Sa counter-affidavit, ikinatuwiran ng kampo ni Dera na walang probable cause para kasuhan siya ng corruption of public officials.

Binigyang-diin ng kampo ni Dera na ang anim na NBI security officers ay “job order employees” lamang at hindi nasa ilalim ng terminong “public officer.”

Dagdag pa ni Palad, nabigo rin ang NBI na patunayan, na ang P10,000 cash na nasamsam noong arestuhin si Dera ay ang kanyang suhol sa mga jail guard, bagay na itinanggi naman aniya ng mga security officer.

Samantala, sinabi ni Palad na tinitibag na ang mga “special VIP rooms” sa NBI.

Pero paglilinaw naman nito na kapag sinabing “special VIP room” ay may sarili lamang kama ang inmate.

Facebook Comments