Ipinaliwanag ng isang kongresista kung bakit sila naghain ng resolusyon na layong imbestigahan ang credentials ng mga miyembro ng OCTA Research Group.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni AAMBIS-OWA Representative Sharon Garin na bawat inilalabas na datos kasi ng OCTA ay nakakaapekto sa ating ekonomiya.
Inihalimbawa ni Garin ang pagmumungkahi ng OCTA na magpatupad ng mas mahigpit na quarantine na sinusunod agad ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Paliwanag ng mambabatas, kung maganda naman talaga ang ginagawa ng OCTA ay hindi sila kontra dito kundi dapat pa ngang tularan ito ng gobyerno.
Kaugnay niyan, nagtataka rin si GARIN kung bakit hindi ang gobyerno ang gumagawa ng mga ganitong mga pag-aaral lalo na’t sa kanila naman nagmumula ang mga datos na inilalabas ng OCTA.
isa si Garin sa naghain ng House Resolution no. 2075 kasama ng lima pang mga kongresista.