Ipinamahagi ang mga relief goods para sa Dagupeño mula sa ilang barangay sa Dagupan City na pinangunahan ng alkalde, mga kawani sa CSWD at Bantay Ilog ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Ilan sa mga barangay na napamahagian ay mga barangay ng Salapingao, Bonuan Gueset, Brgy. Mayombo at Barangay Calmay sa ilang mga Sitio nito.
Personal itong iniabot ni Mayor Fernandez na kasabay nito ang pagdinig sa ilang hinaing ng mga residente kaugnay sa kanilang mga kahilingan tulad ng Scholarship Program at ang nararanasang pagbaha sa kanilang Barangay.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang site inspection sa mga mababang bahagi ng lungsod na madalas makaranas ng pagbaha upang matugunan at mabigyang solusyon sa ilalim ng Flood Mitigation Projects ng kasalukuyang administrasyon. |ifmnews
Facebook Comments