Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay nasa Bicol Region na at sinisimulan nang ipamahagi ang 24 na trak na mga relief goods, kabilang ang 650,000 kilos ng bigas at ₱850 million para sa 170,000 na benepisyaryo sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Catanduanes.
Sa ilalim ito ng “Tabang Bikol, Tindog Oragon” relief initiative na pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada bukod sa Bicol Region ay pinadalhan din ng tulong ang iba pang mga lugar sa bansa na tinamaan ng kalamidad.
Facebook Comments