Mga Relief Operation, tuloy-tuloy sa Cainta Rizal

Nagpapatuloy ang isinasagawang Relief Operation kung saan dumagsa rin ang mga donasyon na galing sa ibat ibang Kumpanya at indibidwal na nagmamagandang loob upang huwag magutom ang mga residente ng Cainta Rizal.

Ayon kay Cainta Rizal Mayor Kit Nieto, hindi siya papayag na magugutom ang kanyang mga nasasakupan kayat gumagawa siya ng paraan upang hindi magugutom ang mga residente ng Cainta Rizal.

Paliwanag ng alkalde maraming mga Kumpanya ang nagmamagandang loob na tumulong kabilang diyan ang Lechon Factory na nag padala ng 100 packs na Krunchy Pork Sisig w/ Scrambled Egg kung saan ipapadala naman ng alkalde sa Diamond St., Barangay Sto Domingo.


Kanina namahagi ng mga Relief goods at mahigpit parin na ipinatutupad ang Social Distancing  sa Sitio Halang Barangay San Isidro Cainta Rizal kung saan inilalagay lang  ang isang plastik na may laman na 2 kilong bigas at tatlong de lata sa upuan at kinukuha nalamang ng mga residente ang nasabing mga relief goods.

Facebook Comments