Mga religious group sa Pasig City, kailangang kumuha ng permit sa Lokal na pamahalaan nito bago magsagawa ng aktibidad sa simbahan

41

Ipinag-utos nga lokal na pamahalaan ng Pasig City sa mga religious group, orders, at denominations na nasa kanilang lungsod na kailangan nilang kumuha ng permit bago magsagawa ng kanilang mga church activities.

Ayon kay Mayor Vico Sotto, kailangan na ang request ay ipadala sa City Administrator’s Office sa papamamagitan ng caoffice2018pasig@gmail.com.


Nakapaloob sa kanilang mga request ang religion, address, estimated capacity ng simbahan para sa 10% sitting capacity, at schedule ng mga magtitipon hanggang Agosto 31, 2020.

Ito ay kasabay ng pagbigay pahintulot ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga religious group sa bansa na magsagwa ng kanilang aktibidad sa simbahan.

Facebook Comments