Umabot na sa 51,113 na repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakabalik na ng Pilipinas mula sa mga bansang apektado ng COVID-19 pandemic.
Sa naturang bilang, 57.33% o halos 30,000 rito ay sea based habang ang 42.67% o halos 22,000 ay mga land based.
Karamihan sa mga umuwing Pinoy ay mula sa Japan, Norway, Oman, Saudi Arabia, UAE, USA at Vietnam.
Samantala, nagnegatibo naman sa COVID-19 ang 14,404 na mga umuwing OFWs at non-OFWs sa isinagawang RT-PCR tests sa nakalipas na sampung araw.
Bibigyan sila ng quarantine clearance pagdating nila sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 para makauwi na sa kanilang mga lalawigan.
Facebook Comments