Mga reporma sa recruitment program ng domestic worker, ipatutupad ng DMW

Nakatakdang lagdaan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang advisory na magpapatupad ng pitong reporma sa pagre-recruit ng mga domestic workers.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga domestic workers at mabantayan ang kanilang mga recruiter.

Sakop ng ilalabas na advisory ang $100 na increase sa buwanang sahod para sa mga domestic workers mula sa $400 at taunang check-up para sa lahat ng mga dokumentadong manggagawa bilang pagpapahalaga sa kanilang sakripisyo.

Masusi na ring babantayan ng kagawaran ang pagpupulong sa pagitan ng recruiter at manggagawa para matiyak na ligtas ang magiging kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) bago pumirma sa kontrata.

Paiigtingin na rin ang upskilling, reskilling at career mobility programs para sumulong sa ibang propesyon ang mga manggagawa.

Epektibo ang mga nasabing pagbabago 60 araw mula ngayon.

Facebook Comments