Ipinamahagi ang ilang mga rescue equipment partikular sa hanay ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na may layong matiyak ang mabilisang pagresponde sa mga health emergencies sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang mga ito ay limang (5) rubber boats, dalawang (2) ambulansya, hydraulic equipment, high angle equipment, at portable siren.
Bahagi ang nasabing turnover ceremony sa pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan sa National Disaster Resilience Month na ipinagdiriwang ngayong buwan upang na nagbibigay-diin sa kahalagahan at pag-unawa para sa pagpapalakas sa posibleng panganib dulot ng kalamidad at sa pagpapalakas ng kahandaan para sa agaran at epektibong pagtugon mula sa mga epekto ng mga ng kalamidad.
Ilan pang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na pinangungunahan ng gobernador at bise gobernador, Sangguniang Panlalawigan members at iba mula sa iba pang hanay tulad ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Army (PA), at Bureau of Fire Protection (BFP). Dumalo rin ang General Services Office, (GSO) Provincial Health Office (PHO), Provincial Information Office (PIO), at Provincial Engineering Office (PEO) ang nakilahok sa nasabing aktibidad. |ifmnews
Facebook Comments